How To Be Effective In Helping Others Live Productively
DAILY DEVOTIONAL (10-6-2021)
6 If you point these things out to the brothers and sisters, you will be a good minister of Christ Jesus, nourished on the truths of the faith and of the good teaching that you have followed. 7 Have nothing to do with godless myths and old wives’ tales; rather, train yourself to be godly. 8 For physical training is of some value, but godliness has value for all things, holding promise for both the present life and the life to come. 9 This is a trustworthy saying that deserves full acceptance. 10 That is why we labor and strive, because we have put our hope in the living God, who is the Savior of all people, and especially of those who believe. (1 Timothy 4:6-10)
6 Kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging mabuting lingkod ni Cristo Jesus. At habang itinuturo mo ito, dinudulutan mo rin ang iyong sarili ng pagkaing espirituwal mula sa mga salita ng pananampalataya at sa tunay na aral na sinusunod mo. 7 Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang halaga; sa halip, sanayin mo ang iyong sarili sa maka-Diyos na pamumuhay. 8 Sa pagsasanay ng katawan ay mayroon ding pakinabang, ngunit ang maka-Diyos na pamumuhay ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito’y may pangako hindi lamang para sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating. 9 Totoo ang salitang ito at dapat paniwalaan ng lahat. 10 Dahil dito, nagsisikap tayo[a] at nagpapagal, sapagkat umaasa tayo sa Diyos na buháy at Tagapagligtas ng lahat ng mga tao, lalo na ng mga sumasampalataya. (1 Timoteo 4:6-10)
Paliwanag
Dapat lumago ka sa espirituwal na pamumuhay. Habang nagiging ganap ka sa espirituwal na pamumuhay, makakatulong ka sa ibang tao para mamuhay nang may bunga. Huwag lang tayo maging relihiyoso. Sikapin natin maging ganap at tulad ni Cristo upang makatulong tayo sa iba. Ito ang kalooban ng Diyos para sa ating lahat.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Timoteo 4:6-10).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang dahilan kung bakit hindi lumalago sa pananampalataya ang ibang tao?
2. Paano lalago ang isang tao sa kanyang pananampalataya?
3. Ano ang dapat natin gawin sa ating grupo para tayo ay lumago?
Main Idea: “Habang nagiging ganap ka sa espirituwal na pamumuhay, makakatulong ka sa ibang tao para mamuhay nang may bunga.” (“As you grow in spiritual maturity, you can help others live productively.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.