Teaching Believers With Patience And Careful Instruction
DAILY DEVOTIONAL (10-5-2021)
1 In the presence of God and of Christ Jesus, who will judge the living and the dead, and in view of his appearing and his kingdom, I give you this charge: 2 Preach the word; be prepared in season and out of season; correct, rebuke and encourage—with great patience and careful instruction. 3 For the time will come when people will not put up with sound doctrine. Instead, to suit their own desires, they will gather around them a great number of teachers to say what their itching ears want to hear. 4 They will turn their ears away from the truth and turn aside to myths. 5 But you, keep your head in all situations, endure hardship, do the work of an evangelist, discharge all the duties of your ministry. (2 Timothy 4:1-5)
1 Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus na hahatol sa mga buháy at sa mga patay, alang-alang sa kanyang pagdating bilang hari, inaatasan kita: 2 ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. 3 Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip. 5 Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng oras, magtiis ka sa panahon ng kahirapan. Gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Magandang Balita at tuparin mo nang lubos ang iyong paglilingkod. (2 Timoteo 4:1-5)
Paliwanag
Mahirap magturo sa mga tao. Para maturuan natin nang mabisa ang mga tao, kailangan gawin natin ito nang may katapatan. Dapat maging tapat tayo sa Diyos at magtiwala sa Kanya nang lubusan. Hindi lahat ng tao ay handang makinig sa katotohanan. Ganun pa man, hindi tayo dapat sumuko. Dapat magpatuloy tayo sa pagtuturo ng salita ng Diyos sa mga tao.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (2 Timoteo 4:1-5).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahirap turuan ang mga tao ng salita ng Diyos? Ano ang madalas na nagiging hadlang?
2. Ano ang dapat natin tatandaan kapag nagtuturo tayo sa mga tao ng salita ng Diyos?
3. Paano natin ito maisasagawa bilang isang grupo?
Main Idea: “Para maturuan natin nang mabisa ang mga tao, kailangan gawin natin ito nang may katapatan.” (“To teach others effectively, we must do so faithfully.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.