Identifying Areas of Concern In A Person’s Spiritual Life
DAILY DEVOTIONAL (10-1-2021)
13 Simon himself believed and was baptized. And he followed Philip everywhere, astonished by the great signs and miracles he saw… 18 When Simon saw that the Spirit was given at the laying on of the apostles’ hands, he offered them money 19 and said, “Give me also this ability so that everyone on whom I lay my hands may receive the Holy Spirit.” 20 Peter answered: “May your money perish with you, because you thought you could buy the gift of God with money! 21 You have no part or share in this ministry, because your heart is not right before God. 22 Repent of this wickedness and pray to the Lord in the hope that he may forgive you for having such a thought in your heart. 23 For I see that you are full of bitterness and captive to sin.” 24 Then Simon answered, “Pray to the Lord for me so that nothing you have said may happen to me.” (Acts 8:13, 18-24)
13 Pati si Simon ay sumampalataya rin, at nang mabautismuhan ay patuloy siyang sumama kay Felipe. Humanga si Simon nang makita niya ang mga himala… 18 Nakita ni Simon na ang Espiritu’y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol, kaya’t inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan. 19 “Bigyan din ninyo ako ng kapangyarihang ito upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap ng Espiritu Santo,” sabi niya. 20 Sinagot siya ni Pedro, “Nawa’y mapapahamak ka kasama ng iyong salapi, sapagkat inakala mong mabibili ng salapi ang kaloob ng Diyos! 21 Wala kang bahagi ni karapatan sa bagay na ito, sapagkat hindi tama ang iyong puso sa paningin ng Diyos. 22 Pagsisihan mo ang kasamaan mong ito at manalangin ka sa Panginoon, na nawa’y patawarin ka niya sa iyong hangarin, 23 dahil nakikita kong puno ka ng inggit at bilanggo ng kasalanan.” 24 Sumagot si Simon, “Idalangin ninyo ako sa Panginoon, para hindi ko sapitin ang alinman sa mga sinabi ninyo!” (Gawa 8:13, 18-24)
Paliwanag
Hindi nangangahulugan na kapag ang isang tao ay mananampalataya na, wala na siyang problema. Para lumago ang isang tao sa kanyang espirituwal na pamumuhay, kailangan siya ay makaranas ng tunay na kalayaan. Ito ay mangyayari lamang kapag binigyan ng pansin ang iba’t ibang aspekto ng kanyang buhay kung saan maaari siya ay alipin pa rin ng kaaway.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Gawa 8:13, 18-24).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano-ano ang mga palatandaan na kailangan mapalaya ang isang tao sa pagkaalipin ng kaaway?
2. Bakit kailangan matulungan natin ang bawat isa na makalaya sa mga kapit ng kaaway?
3. Paano natin ito magagawa sa isa’t isa?
Main Idea: “Para lumago sa espirituwal na pamumuhay, kailangan makaranas ang tao ng kalayaan.” (“To grow spiritually, people must be set free.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.