How To Orient A Person About The Christian Life
DAILY DEVOTIONAL (9-24-2021)
17 So I tell you this, and insist on it in the Lord, that you must no longer live as the Gentiles do, in the futility of their thinking. 18 They are darkened in their understanding and separated from the life of God because of the ignorance that is in them due to the hardening of their hearts. 19 Having lost all sensitivity, they have given themselves over to sensuality so as to indulge in every kind of impurity, and they are full of greed. 20 That, however, is not the way of life you learned 21 when you heard about Christ and were taught in him in accordance with the truth that is in Jesus. 22 You were taught, with regard to your former way of life, to put off your old self, which is being corrupted by its deceitful desires; 23 to be made new in the attitude of your minds; 24 and to put on the new self, created to be like God in true righteousness and holiness. (Ephesians 4:17-24)
17 Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila’y naging alipin ng kahalayan at wala na silang kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan. 20 Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. (Efeso 4:17-24)
Paliwanag
Ang buhay Kristiano ay isang paglalakbay sa pananampalataya kasama ang iba patungo sa espirituwal na pagbabago. Hindi lamang ito pagdalo sa mga gawain o pagiging isang relihiyosong tao. Kailanga maunawaan ng bawat tagasunod ni Cristo ang katotohanan na ito para hindi sila malinlang ng mundo o ng kaaway.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 4:17-24).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit kailangan ipaliwanag sa isang mananampalataya ang tunay na kahulugan ng buhay Kristiano?
2. Ano ang madalas na maling akala ng mga tao patungkol sa buhay Kristiano?
3. Paano natin matutulungan ang bawat isa na maunawaan ang katotohanan patungkol sa buhay Kristiano?
Main Idea: “Ang buhay Kristiano ay isang paglalakbay sa pananampalataya kasama ang iba patungo sa espirituwal na pagbabago.” (“The Christian life is a journey of faith together with others that results in spiritual transformation”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. 😄