How You Can Know If A Person Has The Holy Spirit
DAILY DEVOTIONAL (9-23-2021)
22 But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, forbearance, kindness, goodness, faithfulness, 23 gentleness and self-control. Against such things there is no law. 24 Those who belong to Christ Jesus have crucified the flesh with its passions and desires. 25 Since we live by the Spirit, let us keep in step with the Spirit. 26 Let us not become conceited, provoking and envying each other. (Galatians 5:22-26)
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu, mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa’t isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa’t isa. (Galacia 5:22-26)
Paliwanag
Maaari malaman agad ng isang tao na ang Banal na Espiritu ay nasa kanya. Ngunit hindi ito agad hayag o lantad sa mata ng iba. Kailangan pa ito suriin at pagmasdan sa pagtagal ng panahon sa pamamagitan ng mga bunga. Minsan meron mga panlabas na palatandaan, tulad halimbawa ng pagsasalita ng kakaibang wika (speaking in tongues), ngunit hindi ito masisigurado kasi maaari itong gayahin ninuman. Ang mas matibay na palatandaan ay yung bunga ng Espiritu Santo — ang pagbabago ng pagkatao o pag-uugali ng isang tao at ang kanyang mga relasyon sa kapwa.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 5:22-26).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Paano natin malalaman kung ang isang mananampalataya ay meron Banal na Espiritu?
2. Ano ang dapat gawin kung sakaling meron tayong pagdududa?
3. Paano natin matutulungan ang bawat isa para makita ang bunga ng Banal na Espiritu sa ating buhay?
Main Idea: “Habang tumatagal ang panahon, ang presensiya ng Banal na Espirity sa buhay ng isang tao ay naihahayag sa kanyang pag-uugali at mga relasyon.” (“The presence of the Holy Spirit can be seen over time in one’s character and relationships.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.