Teaching Spiritual Leaders How To Be Bold And Courageous
DAILY DEVOTIONAL (9-14-2021)
24 “The student is not above the teacher, nor a servant above his master. 25 It is enough for students to be like their teachers, and servants like their masters. If the head of the house has been called Beelzebul, how much more the members of his household! 26 So do not be afraid of them, for there is nothing concealed that will not be disclosed, or hidden that will not be made known. 27 What I tell you in the dark, speak in the daylight; what is whispered in your ear, proclaim from the roofs. 28 Do not be afraid of those who kill the body but cannot kill the soul. Rather, be afraid of the One who can destroy both soul and body in hell. 29 Are not two sparrows sold for a penny? Yet not one of them will fall to the ground outside your Father’s care. 30 And even the very hairs of your head are all numbered. 31 So don’t be afraid; you are worth more than many sparrows.” (Matthew 10:24-31)
24 “Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro at walang aliping nakakahigit sa kanyang panginoon. 25 Sapat nang matulad ang alagad sa kanyang guro, at ang alipin sa kanyang panginoon. Kung ang ama ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo nang lalaitin nila ang kanyang mga kasambahay. 26 Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim ay ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinubulong sa inyo ay inyong ipagsigawan sa lansangan. 28 Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno. 29 Hindi ba’t ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. 30 At kayo, maging ang buhok ninyo’y bilang niyang lahat. 31 Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.” (Mateo 10:24-31)
Paliwanag
Kalooban ng Panginoon na maging katulad ni Cristo ang mga espirituwal na lider sa gitna ng pag-uusig at sa kanilang pagpapahayag. Ito ang layunin ng Panginoon para sa ating lahat. Kaya tayo nag-aaral ng salita ng Diyos at nagpupuri sa Panginoon nang sama-sama ay upang maging mga espirituwal na lider. Kalooban Niya na maging katulad tayo ni Cristo sa lahat ng aspekto ng ating pagkatao.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:24-31).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit kailangan maging katulad tayo ni Cristo sa gitna ng pag-uusig at sa ating pagpapahayag ng Mabuting Balita?
2. Paano natin magagawa ito?
3. Alin sa mga dahilan na sinabi ni Cristo ang nakakatulong sa iyo upang maging malakas ang iyong loob?
Main Idea: “Dapat gayahin ng mga espirituwal na lider si Cristo pagdating sa pag-uusig at pagpapahayag.” (“Spiritual leaders must imitate Christ both in persecution as well as in proclamation.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.