Narrating The Gospel In All Its Fullness
DAILY DEVOTIONAL (8-31-2021)
14 When Jesus came into Peter’s house, he saw Peter’s mother-in-law lying in bed with a fever. 15 He touched her hand and the fever left her, and she got up and began to wait on him. 16 When evening came, many who were demon-possessed were brought to him, and he drove out the spirits with a word and healed all the sick. 17 This was to fulfill what was spoken through the prophet Isaiah: “He took up our infirmities and bore our diseases.” (Matthew 8:14-17)
14 Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya roon ang biyenan nito na nakaratay at nilalagnat. 15 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at nawala ang lagnat nito. Bumangon ang babae at naglingkod kay Jesus. 16 Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Inalis niya ang ating mga kahinaan,pinagaling ang ating mga karamdaman.” (Mateo 8:14-17)
Paliwanag
Mahalaga na maipaliwanag natin nang mabuti ang ebanghelyo patungkol kay Jesus. Hindi ito nakukuha sa isang minsanan na pag-uusap. Kailangan tayo ay maging matiyaga sa ating pagpapaliwanag upang maunawaan nang maigi ang Mabuting Balita patungkol sa kaligtasan. Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang mga tao na manampalataya kay Jesus nang lubusan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 8:14-17).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit kailangan ang matiyagang pagpapaliwanag ng Mabuting Balita sa mga tao?
2. Ano ang dapat maunawaan ng mga tao patungkol sa Mabuting Balita?
3. Paano natin ito gagawin bilang isang grupo?
Main Idea: “Tanging ang ganap na Mabuting Balita ang maaari makapagligtas nang ganap sa mga tao.” (“Only the Gospel in all its fullness can save people completely.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.