Introducing Seekers To People Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (8-30-2021)
7 Jesus said to him, “Shall I come and heal him?” 8 The centurion replied, “Lord, I do not deserve to have you come under my roof. But just say the word, and my servant will be healed. 9 For I myself am a man under authority, with soldiers under me. I tell this one, ‘Go,’ and he goes; and that one, ‘Come,’ and he comes. I say to my servant, ‘Do this,’ and he does it.” 10 When Jesus heard this, he was amazed and said to those following him, “Truly I tell you, I have not found anyone in Israel with such great faith. (Matthew 8:7-10)
7 Sinabi ni Jesus, “Pupuntahan ko siya at pagagalingin.” 8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking katulong. 9 Ako’y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, ‘Pumunta ka roon!’ siya’y pumupunta; at ang isa naman, ‘Halika!’ siya’y lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa nga niya iyon.” 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel. (Mateo 8:7-10)
Paliwanag
Ang isang mabisang patotoo ay yung mga alagad ni Cristo na lumalakad ayon sa tunay na pananampalataya. Hindi sila sanhi ng ikatitisod ng iba. Bagkus makikita sa kanilang buhay ang katotohanan. Ito ang kailangan natin sa panahong ito, mga ilaw at asin na magsisilbing gabay sa iba.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 8:7-10).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano-ano ang mga katangian ng mga taong lumalakad ayon sa tunay na pananampalataya?
2. Bakit mahalaga sila sa ating paghihikayat sa mga tao na maging mananampalataya rin tulad natin?
3. Paano natin ipatutupad ito sa ating grupo?
Main Idea: “Ang kailangan ng mga nagsasaliksik sa Diyos ay mga halimbawa ng pananampalataya, hindi lamang argumento patungkol sa pananampalataya.” (“Seekers need examples of faith, not just arguments about faith.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.