Teaching To Change People’s Lives
DAILY DEVOTIONAL (8-26-2021)
1 Now when Jesus saw the crowds, he went up on a mountainside and sat down. His disciples came to him, 2 and he began to teach them… 28 When Jesus had finished saying these things, the crowds were amazed at his teaching, 29 because he taught as one who had authority, and not as their teachers of the law. (Matthew 5:1-2; 7:28-29)
1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad 2 at siya’y nagsimulang magturo sa kanila… 28 Namangha kay Jesus ang mga tao nang kanilang marinig ang kanyang pagtuturo 29 sapagkat nagturo siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan. (Mateo 5:1-2; 7:28-29)
Paliwanag
Si Jesus lamang ang may karapatan at kapangyarihan na magturo ng katotohanan patungkol sa kaharian ng Diyos. Dahil rito, kung gusto natin magbago ang buhay ng mga tao, kailangan ituro rin natin kung ano ang itinuro ni Jesus patungkol sa kaharian ng Diyos. Ito lamang ang espirituwal na katotohanan na makapagliligtas sa mga tao nang lubusan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 5:1-2; 7:28-29).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Kung isusuma natin, ano itinuro ni Jesus patungkol sa kaharian ng Diyos?
2. Bakit mahalaga na ito ang ituro natin sa mga tao?
3. Paano natin ito maisasagawa bilang isang komunidad ng mga mananampalataya?
Main Idea: “Para baguhin ang buhay ng mga tao, kailangan ituro natin ang itinuro ni Jesus patungkol sa kaharian ng Diyos.” (“To change people’s lives, we must teach what Jesus taught about the kingdom of God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.