Looking For Those Who Are Willing To Learn
DAILY DEVOTIONAL (8-25-2021)
18 As Jesus was walking beside the Sea of Galilee, he saw two brothers, Simon called Peter and his brother Andrew. They were casting a net into the lake, for they were fishermen. 19 “Come, follow me,” Jesus said, “and I will send you out to fish for people.” 20 At once they left their nets and followed him. 21 Going on from there, he saw two other brothers, James son of Zebedee and his brother John. They were in a boat with their father Zebedee, preparing their nets. Jesus called them, 22 and immediately they left the boat and their father and followed him. (Matthew 4:18-22)
18 Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” 20 Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. 21 Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus. (Mateo 4:18-22)
Paliwanag
Hindi tayo magiging matagumpay sa paghahayo natin para gumawa ng mga alagad ni Cristo kung hindi natin alam kung papaano ang mabisang pamamaraan. Hindi lahat ng tao ay magiging interesado sa Mabuting Balita. Hindi rin natin dapat pag-aksayahan ng oras o lakas ang mga tao na hindi interesado dito. Karamihan ay ganito. Bagkus, kinakailangan na hanapin natin ang mga tao na nais matuto sa atin. Sila ang dapat natin bigyan ng oras at atensiyon para tayo ay matagumpay sa ating misyon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 4:18-22).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit hindi nagiging epektibo ang ating mga paraan para humayo at gumawa ng mga alagad ni Cristo?
2. Ano ang mga dapat matutunan patungkol dito?
3. Paano natin ito isasagawa sa ating grupo?
Main Idea: “Ang unang layunin natin ay hanapin yung mga tao na handang matuto sa atin.” (“Our first goal is to find those who are willing to learn from us.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.