Protecting The Community Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (8-20-2021)
7 I say this because many deceivers, who do not acknowledge Jesus Christ as coming in the flesh, have gone out into the world. Any such person is the deceiver and the antichrist. 8 Watch out that you do not lose what we have worked for, but that you may be rewarded fully. 9 Anyone who runs ahead and does not continue in the teaching of Christ does not have God; whoever continues in the teaching has both the Father and the Son. 10 If anyone comes to you and does not bring this teaching, do not take them into your house or welcome them. 11 Anyone who welcomes them shares in their wicked work. (1 John 1:7-11)
7 Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo’y dumating bilang tao. Ang ganoong tao ay mandaraya at kaaway ni Cristo. 8 Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala. 9 Ang hindi nananatili sa turo ni Cristo kundi nagdaragdag dito, ay wala sa kanya ang Diyos. Sinumang nananatili sa turo ni Cristo ay nasa kanya ang Ama at ang Anak. 10 Sinumang dumating sa inyo na ibang turo ang dala ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, ni huwag ninyong batiin, 11 sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kaisa niya sa masamang gawain. (1 Juan 1:7-11)
Paliwanag
Tulad rin nuong panahon ng mga apostol, marami rin ang mga taong mapalinlang ngayon. Iniiba nila ang katuruan patungkol sa katotohanan, o kaya ay nagtuturo sila ng saliwa sa Mabuting Balita. Dapat matuto tayo na pangalagaan ang isa’t isa laban sa mga kasinungalingan. Naglipana ito sa panahon natin ngayon. Para tumibay ang ating samahan, kailangan manatili tayo sa katotohanan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Juan 1:7-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit madaling maniwala ang mga tao sa mga maling katuruan sa mundong ito?
2. Paano natin mapapangalagaan ang isa’t isa laban sa mga maling kaisipan at pagtuturo?
3. Ano ang gagawin natin para mapatupad ito sa ating samahan?
Main Idea: “Para mapalakas natin ang ating komunidad, kailangan matuto rin tayo kung paano ito maproteksiyunan.” (“To strengthen the community of faith, we must also learn to protect it.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.