Shepherding A Community Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (8-19-2021)
1 To the elders among you, I appeal as a fellow elder and a witness of Christ’s sufferings who also will share in the glory to be revealed: 2 Be shepherds of God’s flock that is under your care, watching over them—not because you must, but because you are willing, as God wants you to be; not pursuing dishonest gain, but eager to serve; 3 not lording it over those entrusted to you, but being examples to the flock. 4 And when the Chief Shepherd appears, you will receive the crown of glory that will never fade away. (1 Peter 5:1-4)
Sa matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga paghihirap ni Cristo at sapagkat makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos]. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan. 4 At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman. (1 Pedro 5:1-4)
Paliwanag
Kailangan ng isang komunidad ng mga mananampalataya ang mga tunay na lider. Ngunit hindi pangkaraniwang lider lamang ang kailangan. Dapat sila ay may malasakit sa mga tupa at meron matuwid na puso. Dapat handa sila maglingkod at magsakripisyo para pangalagaan ang mga miyembro nila. Kailangan rin na sila ay maging halimbawa sa mga tupa. Ito ang basehan ng kanilang tunay na impluwensiya sa samahan ng mga mananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Pedro 5:1-4).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na magkaroon ng mga tunay na lider ang isang samahan ng mga mananampalataya?
2. Ano-ano dapat ang mga katangian ng mga tunay na lider?
3. Paano tayo magkakaroon ng mga taong ganito sa ating samahan?
Main Idea: “Ang kailangan sa isang komunidad ng mga mananampalataya ay mga lider na meron malasakit sa mga tupa nang may matuwid na puso.” (“A community of faith needs leaders who can take care of the flock with the integrity of heart.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.