Pursuing A Healthy Community Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (8-18-2021)
12 Now we ask you, brothers and sisters, to acknowledge those who work hard among you, who care for you in the Lord and who admonish you. 13 Hold them in the highest regard in love because of their work. Live in peace with each other. 14 And we urge you, brothers and sisters, warn those who are idle and disruptive, encourage the disheartened, help the weak, be patient with everyone. 15 Make sure that nobody pays back wrong for wrong, but always strive to do what is good for each other and for everyone else. (1 Thessalonians 5:12-15)
12 Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. 13 Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa’t isa nang may kapayapaan. 14 Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat. 15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa’t isa at sa lahat. (1 Tesalonica 5:12-15)
Paliwanag
Nagiging maganda ang isang samahan ng mga mananampalataya kapag bawat isa ay may pananagutan. Hindi sapat na iasa lamang sa mga tagapamuno ang lahat ng responsibilidad para sa paglago nito ayon sa kalooban ng Diyos. Dapat bawat isa ay tumutulong para lumago ang isang samahan ng mga mananampalataya. Kapag ganito ang nangyayari, lahat ay makikinabang at pagpapalain ng Panginoon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Tesalonica 5:12-15).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang mangyayari kapag inaasa lamang natin ang paglago ng ating komunidad sa mga tagapamuno nito?
2. Paano natin maiiwasan ang ganitong pag-uugali?
3. Ano ang dapat natin gawin sa ating grupo simula ngayon?
Main Idea: “Ang pagkakaroon ng isang magandang samahan ng mga mananampalataya ay dapat pananagutan ng bawat isa.” (“Pursuing a healthy community should be everyone’s mutual responsibility.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.