Learning To Love One Another In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-17-2021)
12 Therefore, as God’s chosen people, holy and dearly loved, clothe yourselves with compassion, kindness, humility, gentleness and patience. 13 Bear with each other and forgive one another if any of you has a grievance against someone. Forgive as the Lord forgave you. 14 And over all these virtues put on love, which binds them all together in perfect unity. (Colossians 3:12-14)
12 Kaya nga, dahil kayo’y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa’t isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. (Colosas 3:12-14)
Paliwanag
Bihira sa atin ang nakaranas ng tunay na pagmamahal habang tayo ay lumalaki. Madalas ang naging karanasan natin ay kabaligtaran. Imbis na pagmamahal, ang naranasan natin ay pagbabaliwala, pagtanggi, at pag-aabuso. Ito ang dahilan kung bakit hirap tayo na magmahal at tumanggap ng pagmamahal sa iba. Ngunit, sa biyaya ng Diyos, maaari natin maranasan ang tunay na pagmamahal sa Panginoon. At sa pamamagitan nito, maaari rin natin maranasan ang magmahal at mahalin sa loob ng isang tunay na samahan ng mga mananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 3:12-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit hirap ang iba sa atin na magmahal at tumanggap ng pagmamahal sa kapwa?
2. Paano ito mababago sa buhay natin?
3. Ano ang dapat natin gawin para maranasan ito sa ating grupo?
Main Idea: “Maaari tayo matuto kung paaano magmahal at mahalin muli sa pamamagitan ng isang tunay na samahan ng mga mananampalataya.” (“We can learn to love and be loved again in a true community of faith.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.