Dealing With Sin As Believers In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-9-2021)
15 “If your brother or sister sins, go and point out their fault, just between the two of you. If they listen to you, you have won them over. 16 But if they will not listen, take one or two others along, so that ‘every matter may be established by the testimony of two or three witnesses.’ 17 If they still refuse to listen, tell it to the church; and if they refuse to listen even to the church, treat them as you would a pagan or a tax collector. 18 “Truly I tell you, whatever you bind on earth will be bound in heaven, and whatever you loose on earth will be loosed in heaven. 19 “Again, truly I tell you that if two of you on earth agree about anything they ask for, it will be done for them by my Father in heaven. 20 For where two or three gather in my name, there am I with them.” (Matthew 18:15-20)
15 “Kung magkasala ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid. 16 Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. 17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis. 18 “Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot ninyo dito sa lupa ay ipahihintulot sa langit. 19 “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito’y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. 20 Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.” (Mateo 18:15-20)
Paliwanag
Dumarating ang pagkakataon na kailangan natin harapan ang kasalan sa ating samahan. Ito ay hindi madali. Masusubukan ang bawat isa sa atin kapag nangyari ito. Kailangan alam natin kung ano ang gagawin. Higit sa lahat, mahalaga na meron tayong pananampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas natin. Kailangan rin na meron tayo pagtatalaga sa isa’t isa. Kapag wala ang dalawang bagay na ito, hindi tayo magtatagumpay laban sa kasalanan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Mateo 18:15-20).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang karaniwang reaksiyon natin kapag may kasalanan na nangyayari sa gitna ng ating samahan? Bakit?
2. Ano ang dapat natin tatandaan kapag nangyayari ito? Paano natin maiiwasan ang maling pagtugon?
3. Paano natin ito mapapatupad sa ating grupo.
Main Idea: “Kung paano natin hinaharap ang kasalanan ay ayon sa pananampalataya natin kay Jesus at ang pagtatalaga natin sa isa’t isa.” (“How we deal with sin depends on our faith in Jesus and our commitment to one another.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.