Trusting One Another in the Lord
DAILY DEVOTIONAL (7-28-2021)
26 Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, sinikap niyang mapabilang sa mga alagad doon. Ngunit silang lahat ay takot sa kanya dahil hindi sila makapaniwalang isa na siyang alagad. 27 Subalit dinala siya ni Bernabe sa mga apostol at isinalaysay nito sa kanila kung paano nagpakita at nakipag-usap ang Panginoon kay Saulo nang ito’y nasa daan papunta sa Damasco. Sinabi rin ni Bernabe na buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa pangalan ni Jesus. 28 Kaya mula noon, si Saulo’y kasa-kasama na nila sa buong Jerusalem, at buong tapang na nangangaral doon sa pangalan ng Panginoon. (Gawa 9:26-28)
Paliwanag
Kailangan ng bawat mananampalataya ang maging bahagi ng isang komunidad kung saan sila ay makararanas ng tunay na pagmamahal. Mangyayari lamang ito kung matututo ang bawat isa kung paano tumanggap at magtiwala sa isa’t isa. Hindi ito madali dahil sa maraming negatibong karanasan ng bawat isa. Ngunit hindi ito imposible sa tulong ng Panginoon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Gawa 9:26-28).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hindi madali ang magtiwala sa isa’t isa?
2. Paano natin magagawa na magtiwala sa isa’t isa?
3. Paano natin matutupad ito sa ating samahan?
Main Idea: “Ang matutunan kung paano magtiwala sa isa’t isa ang paraan para matutunan natin kung paano magmahal sa isa’t isa.” (“Learning to trust each other is how we learn to love one another.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.