Accepting One Another in the Lord
DAILY DEVOTIONAL (7-27-2021)
5 May the God who gives endurance and encouragement give you the same attitude of mind toward each other that Christ Jesus had, 6 so that with one mind and one voice you may glorify the God and Father of our Lord Jesus Christ. 7 Accept one another, then, just as Christ accepted you, in order to bring praise to God. (Matthew 15:5-7)
5 Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo’y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, 6 upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 7 Kung paanong kayo’y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa’t isa upang mapapurihan ang Diyos. (Roma 15:5-7)
Paliwanag
Normal sa mundong ito ang paghuhusga sa isa’t isa. Imbis na tanggapin natin ang isa’t isa, nilalayuan natin ang isa’t isa. Bihira tayo makaranas ng isang lugar kung saan mararamdaman natin na tayo ay tinatanggap ayon sa kung sino tayo at hindi tayo tinatanggihan dahil rito. Ito ay dapat maranasan ng bawat isa sa komunidad ng mga mananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Roma 15:5-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hirap tayo na tanggapin ang isa’t isa sa ating mga samahan?
2. Ano ang susi para matanggap natin ang isa’t isa?
3. Paano natin magagawa ito sa ating samahan?
Main Idea: “Dahil tinanggap tayo ni Cristo, kailangan tanggapin rin natin ang isa’t isa.” (“Because Christ accepted us, we must also accept one another.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.