Putting It All Together
DAILY DEVOTIONAL (7-23-2021)
13 At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa paggawa ng mabuti? 14 At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. (1 Pedro 3:13-16)
Paliwanag
Ang pinakamahalagang aspekto ng ating patotoo patungkol kay Cristo ay ang ating pagkatao o pag-uugali. Kung sino tayo at paano tayo binabago ni Cristo ang siyang batayan ng ating patotoo. Kapag tayo ay patuloy na namumuhay nang ayon sa paraan ng mundo, mawawalan ng bisa ang ating patotoo. Ngunit, kung tayo ay binabago ni Cristo araw-araw, magiging mabisa ang ating patotoo.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (1 Pedro 3:13-16).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hindi nagiging mabisa ang patotoo ng ilang mananampalataya patungkol kay Cristo?
2. Paano tayo magiging mabisa?
3. Paano natin mapapatupad ito sa buhay natin?
Main Idea: “Ang pagkatao mo ang credibiladad mo sa iyong pagpapatotoo patungkol kay Jesus.” (“Your personality is your credibility whenever you talk about Jesus with others.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.