The Need and Opportunity to Share the Gospel
DAILY DEVOTIONAL (7-22-2021)
35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at nayon doon. Nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y litung-lito at hindi alam ang gagawin, parang mga tupang walang pastol. 37 Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. 38 Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.” (Mateo 9:35-38)
Paliwanag
Ang kailangan para magbahagi tayo ng Mabuting Balita ay tamang motibasyon. Kailangan makita natin ang pangangailangan at ang pagkakataon para gawin ito. Tanging Panginoon lamang ang maaari magbukas sa ating mga mata upang makita natin ang tunay na situwasyon ng mga tao. Idalangin natin sa Diyos na mabuksan nga ang ating mga mata patungkol dito.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Mateo 9:35-38).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang kailangan para magkaroon tayo ng tamang motibasyon upang ibahagi ang Mabuting Balita?
2. Paano natin makakamtan ito?
3. Ano ang dapat gawin natin simula ngayon para maranasan at matupad ito?
Main Idea: “Maliban na ipakita sa atin ng Panginoon ang pangangailangan at pagkakataon, hindi natin gugustuhin na ibahagi ang Mabuting Balita.” (“Unless the Lord reveals the need and opportunity, we will not be motivated to share the Gospel.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.