Experiencing the Joy of Sharing the Gospel
DAILY DEVOTIONAL (7-20-2021)
41 Nilisan ng mga apostol ang Kapulungan at sila’y galak na galak sapagkat minarapat ng Diyos na sila’y magdanas ng kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Jesus. 42 At araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, walang tigil silang nagturo at nangaral ng magandang balita tungkol kay Jesus, ang Cristo. (Gawa 5:41-42)
Paliwanag
Marami ang natatakot na magbahagi ng Mabuting Balita. Ito ay dahil nakatingin sila sa sarili nilang kakayanan at hindi sa kapangyarihan ng Diyos. Kapag tayo ay nagtiwala sa Panginoon, at hindi sa ating sarili, mararanasan natin ang kakaibang kagalakan kapag nagbahagi tayo ng Mabuting Balita sa iba. Ito ang pangako ng Diyos sa atin. Ang kagalakan natin ay magmumula sa Banal na Espiritu at hindi sa situwasyon natin o karanasan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Gawa 5:41-42).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit natatakot ang marami sa atin na magbahagi ng Mabuting Balita sa iba?
2. Paano natin ito mapagtatagumpayan?
3. Ano ang gagawin mo para maranasan ang kagalakan, at hindi takot, sa pagbabahagi ng Mabuting Balita sa iba?
Main Idea: “Mararanasan mo ang kakaibang kagalakan kapag ibinabahagi mo ang Mabuting Balita sa iba.” (“You will experience supernatural joy when you share the Gospel with others.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.