Nourished by Sharing the Gospel
DAILY DEVOTIONAL (7-19-2021)
31 Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Rabi, kumain na kayo.” 32 Ngunit sumagot siya, “Ako’y may pagkaing hindi ninyo nalalaman.” 33 Kaya’t nagtanung-tanungan ang mga alagad, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?” 34 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin. (Juna 4:31-34)
Paliwanag
Bakit nanghihina ang ilang mananampalataya sa kanilang esprituwal na pamumuhay? Ito ay dahil hindi nila binibigyan ng sapat na oras at atensiyon ang mga bagay makadudulot sa kanila ng esprituwal na kalakasan. Isa na rito ang pagbabahagi ng Mabuting Balita sa ating kapwa. Kapag ito ay palagi natin ginagawa, tayo ay titibay sa ating pananampalataya. Kapag ito ay hindi natin ginagawa, tayo ay manghihina.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Juan 4:31-34).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hindi nagbabahagi ng Mabuting Balita ang karamihan sa mga mananampalataya?
2. Ano ang mangyayari kapag ito ay palagian natin ginagawa?
3. Paano natin magagawa ito bilang samahan ng mga mananampalataya?
Main Idea: “Ang pagbabahagi ng Mabuting Balita ay nagpapalakas sa ating espirituwal na pamumuhay.” (“Sharing the Gospel with others nourishes our spiritual life.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.