Confessing Our Sins To Each Other
DAILY DEVOTIONAL (7-16-2021)
16 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid… 19 Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, 20 ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming kasalanan. (Santiago 5:16, 19-20)
Paliwanag
Sa mundong ito, karamihan sa mga tao ay walang pananagutan sa kanilang kapwa. Para sa kanila, malaya silang gawin ang kahit anong bagay na gusto nila. Hindi sila naniniwala sa konsepto ng kasalanan o kamalian. Kapag sila ay napayuhan, nagagalit sila sapagkat iniisip nila na sila ay nililimitahan. Ngunit ang kalakasan ng kahit anong samahan, lalo na mga komunidad ng mga mananampalataya, ay nakasalalay sa pananagutan sa isa’t isa.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Santiago 5:16, 19-20).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Hindi gusto ng mga tao na magkaroon ng pananagutan sa kapwa. Bakit kaya?
2. Bakit mahalaga ang pananagutan sa isa’t isa?
3. Paano tayo magkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa sa ating grupo?
Main Idea: “Ang kalakasan ng ating samahan ay nakasalalay sa pananagutan natin sa isa’t isa.” (“The strength of our community depends on our mutual accountability.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.