Praying Together As A Church
DAILY DEVOTIONAL (7-12-2021)
23 Nang palayain na sina Pedro at Juan, pumunta sila sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan. 24 Nang marinig ito ng mga mananampalataya, sama-sama silang nanalangin sa Diyos, “Panginoon, kayo po ang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nasa mga ito!.. 31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos. (Gawa 3:23-24, 31)
Paliwanag
Mahalaga na manalangin tayo nang nag-iisa. Ngunit mahalaga rin na manalangin tayo nang magkakasama. Kapag ito ang ginawa natin, mararanasan rin natin ang kapangyarihan ng Diyos nang sama-sama. Nangangahulugan na hindi lang dapat patungkol sa ating sarili ang ating mga panalangin kundi para rin dapat sa komunidad na kinabibilangan natin.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Gawa 3:23-31).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mahalaga na manalangin rin tayo ng sama-sama para sa ating komunidad?
2. Ano ang madalas na dahilan kung bakit hindi nangyayari ito?
3. Ano ang gagawin natin para mapatupad ito?
Main Idea: “Kapag nanalangin tayo nang magkakasama, mararanasan natin ang kapangyarihan ng Diyos nang sama-sama.” (“When we pray together, we experience God’s power together.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.