What Should Happen When We’re Together
DAILY DEVOTIONAL (7-8-2021)
26 Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may nagsasalita sa iba’t ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya. 27 Kung may magsasalita sa iba’t ibang mga wika, sapat na ang dalawa o tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng kanilang sinasabi. 28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. (1 Corinto 14:26-28)
Paliwanag
Kapag tayo ay nagtitipon, dapat magtulungan tayo sa isa’t isa. Hindi lang dapat nanood tayo sa mga iilang tao (praise team, pastor, etc.) sa harapan ng entablado. O kaya, hindi rin naman tama na meron lamang iisang nagsasalita sa isang small group meeting. Sa ating mga pagtitipon, kailangan magkaroon ng partisipasyon ang bawat isa sa presensiya ng Diyos upang magpalakasan tayo sa isa’t isa.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (1 Corinto 14:26-28).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ba ang dapat mangyari kapag tayo ay nagtitipon?
2. Bakit dapat lahat ay nakikilahok sa ating mga pagtitipon lalo na sa ating small group?
3. Paano natin ito mapapatupad?
Main Idea: “Kapag tayo ay nagtitipon, dapat magtulungan tayo sa isa’t isa.” (“When we come together, we need to engage with one another.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.