Abounding in Love and Bearing Fruit
DAILY DEVOTIONAL (7-1-2021)
9 Idinadalangin ko sa Diyos na ang inyong pag-ibig ay patuloy na sumagana at masangkapan ng malinaw na kaalaman at pagkaunawa, 10 upang mapili ninyo ang pinakamahalaga sa lahat. Sa gayon, sa Araw ni Cristo ay matagpuan kayong malinis, walang kapintasan, 11 at sagana sa magagandang katangiang kaloob sa inyo ni Jesu-Cristo, sa ikararangal at ikadadakila ng Diyos. (Filipos 1:9-11)
Paliwanag
Ang layunin natin sa buhay Kristiano ay lumago sa pag-ibig at magbunga para kay Cristo sa ikaluluwalhati ng Diyos. Hindi tayo tinawag ng Diyos para lamang makaraos sa mga problema natin. Hindi rin para magkaroon ng magandang pakiramdam o sa para lamang magsama-sama sa ating mga fellowships. Hindi lamang para magkaroon ng barkada o mga kaibigan. Tinawag tayo ng Panginoon para lumago sa ating relasyon sa Kanya at sa isa’t isa.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Filipos 1:3-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang kalooban ng Panginoon para sa atin bilang mga mananampalataya kay Cristo?
2. Bakit kinakailangan na tayo ay lumago sa ating pananampalataya?
3. Paano natin ito maisasagawa sa ating buhay?
Main Idea: “Ang layunin natin sa buhay Kristiano ay lumago sa pag-ibig at magbunga para kay Cristo sa ikaluluwalhati ng Diyos.” (“The goal of the Christian life is to abound in love and bear fruit in Christ to the glory of God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.