Knowing Jesus Through Scripture
DAILY DEVOTIONAL (6-29-2021)
36 Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit pa sa patotoo ni Juan. Ang mga gawang ipinapagawa sa akin ng Ama na siya ko namang ginaganap, ang nagpapatotoo na ako’y isinugo ng Ama. 37 At ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita man ang kanyang anyo. 38 Hindi nanatili sa inyong mga puso ang kanyang salita sapagkat hindi kayo sumasampalataya sa isinugo niya. 39 Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa pag-aakalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin! 40 Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo’y magkaroon ng buhay. (Juan 5:36-40)
Paliwanag
Mababaw ang pananampalataya ng karamihan dahil hindi sila nagsusumikap na mag-aral ng salita ng Diyos nang mabuti. Hindi sapat ang kaunting kaalaman o ang paminsan-minsan na pagbabasa ng salita ng Diyos. Kailangan ito ay masugid na pinag-aaralan. Hindi ito madali ngunit ito ay kinakailangan upang mas makilala natin si Jesus ng mas maigi. Sa ganitong paraan lamang maaari tayo maging matatag sa ating pananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Juan 5:36-40).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mababaw ang pananampalataya ng karamihan?
2. Ano ang ibig sabihin ng mag-aral ng salita ng Diyos ng mas mabuti?
3. Paano mo ito gagawin sa iyong buhay?
Main Idea: “Mag-aral ng salita ng Diyos nang mabuti upang makilala si Jesus nang mas maigi.” (“Study Scripture diligently so you can know Jesus intimately.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.