Discovering Our True Selves in God’s Presence
DAILY DEVOTIONAL (6-25-2021)
13 Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata. 14 Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito’y nakikintal. 15 Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim. 16 Ako’y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito’y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. 17 Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; 18 kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising. (Awit 139:13-18)
Paliwanag
Marami ang namumuhay ng ayon sa kagustuhan ng sistema ng mundong ito. Hindi ayon sa kalooban ng Diyos para sa kanila. Ngunit may layunin ang Diyos para sa atin, at ito ay matutupad lamang sa pamamagitan ni Cristo. Kung tayo ay makikiisa sa Kanyang layunin, mararanasan natin ang tunay na plano ng Diyos para sa atin. Hindi masasayang ang buhay natin at tayo ay magiging pagpapala sa mundong ito.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 139:13-18).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Sa paanong paraan nasasayang ang buhay ng karamihan?
2. Paano natin malalaman at matutupad ang plano ng Diyos para sa atin?
3. Ano ang gagawin mo para mamuhay nang ayon sa plano ng Diyos?
Main Idea: “Ang ating tunay na sarili ay yung nais ng Diyos na maging tayo sa pamamagitan ni Cristo Jesus.” (“Our true self is what God intends for us to be in Christ Jesus.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.