Salvation Is A Life Lived Now In The Kingdom of God
DAILY DEVOTIONAL (6-15-2021)
19 Ako’y namatay na sa Kautusan sa pamamagitan rin ng Kautusan upang ngayo’y mabuhay para sa Diyos. Ako’y kasama ni Cristo na ipinako sa krus. 20 Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin. 21 Hindi ko tinatanggihan ang kagandahang-loob ng Diyos. Kung ang tao’y mapapawalang-sala sa pamamagitan ng Kautusan, walang kabuluhan ang pagkamatay ni Cristo! (Galacia 2:19-21)
Paliwanag
Ang kaligtasan ay hindi lamang pagbabago sa iyong katayuan — dati ikaw ay hiwalay sa Diyos ngunit ngayon ikaw ay anak na ng Diyos — kundi pagbabago rin ng iyong uri ng pamumuhay. Iba na ang dapat pagmulan ng iyong kalakasan, hindi na ang iyong sarili lamang. Si Cristo na ang nabubuhay sa iyo at ikaw ngayon ay dapat mamuhay para sa Kanya at sa pamamagitan Niya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Galacia 2:19-21).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang natutunan mo ngayon patungkol sa pananampalataya kay Cristo?
2. Bakit mahalaga na kung ikaw ay isang mananampalataya dapat kang mamuhay nang iba sa dati mong pamumuhay?
3. Paano mo ito ipatutupad simula ngayon?
Main Idea: “Ang kaligtasan ay si Cristo namumuhay sa iyo upang makapamuhay ka isang bagong pamumuhay ngayon.” (“Salvation is Christ living in you so that you can live a different kind of life now.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.