The Results of Non-Alignment
DAILY DEVOTIONAL (6-8-2021)
24 “Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. 25 Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. 26 Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. 27 Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.” (Mateo 7:24-27)
Paliwanag
Ang paghahanay ng ating buhay sa kalooban ng Diyos ay napakahalaga. Ito ang magdudulot ng pagpapala sa ating buhay. Ngunit, ang hindi paghahanay ay katumbas ng pagsuway natin sa Diyos. Ito ang magdudulot naman ng kapahamakan sa ating buhay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Mateo 7:24-27).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit napapahamak ang maraming tao pati na rin ang mga mananampalataya?
2. Ano ang nangyayari kapag hindi natin inihahanay ang buhay natin sa kalooban ng Panginoon?
3. Ang gagawin mo para maiwasan ang kapahamakan sa iyong buhay?
Main Idea: “Kapag pinili mo ang hindi paghahanay, pinipili mo ang pagsuway.” (“When you choose non-alignment, you choose to be disobedient.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.