Experiencing Integrity of Heart
DAILY DEVOTIONAL (6-3-2021)
12 Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan. 13 Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo’y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay. 14 Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan. (Awit 19:12-14)
Paliwanag
Madaling mapagpakitang-tao pagdating sa panlabas na kaugalian. Ngunit alam ng Diyos ang laman ng ating puso. Dapat magkaroon tayo ng katapatan sa ating puso. Maging tapat tayo sa Diyos at sa kapwa. Huwag tayo magtago ng kasalanan. Bagkus maging bukas at handa tayo sa pagbabago na nais gawin ng Panginoon sa ating buhay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 19:12-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Kailan nasusubukan ang katapatan ng ating puso?
2. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng katapatan sa ating puso?
3. Paano natin maisasagawa ito?
Main Idea: “Sa ating pakikitungo sa Diyos, ang katapatan ng ating puso ay dapat higit na pahalagahan.” (“In relating with God, the integrity of our hearts must be our highest priority.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.