How To Agree With God In Your Heart
DAILY DEVOTIONAL (6-2-2021)
8 Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito’y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. (Roma 10:8-10)
Paliwanag
Nasusubukan ang marami sa panahong ito. Hindi ayon sa kalakasan ng kanilang pananampalataya kundi ayon sa tiwala nila sa katotohanan. Kung hindi totoo ang ating pinaniniwalaan, kahit malakas pa ang ating pananampalataya, baliwala pa rin ito. Ang mahalaga ay katotohanan ang ating pinananampalatayaan at ito ang ating pinagkakatiwalaan at sinusunod sa ating buhay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Roma 10:1-15).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mahalaga na katotohanan ang ating pinananampalatayaan?
2. Paano natin masisigurado na katotohanan ang ating pinananampalatayaan?
3. Kung sigurado tayo na katotohanan ito, ano ang dapat maging pagtugon natin?
Main Idea: “Ang sumang-ayon sa Diyos ay yung malaman, magtiwala, at sumunod sa katotohanan dahil ito ang katotohanan.” (“To agree with God is to know, trust, and follow the truth because it is the truth.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.