Why God’s Thoughts Are Better Than Yours
DAILY DEVOTIONAL (6-1-2021)
5 Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. 6 Sa lahat ng iyong gawain siya nga’y alalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong mga tatahakin. (Kawikaan 3:5-6)
Paliwanag
Mas mararanasan natin ang presensiya ng Diyos at ang Kanyang kaharian kapag tayo ay nakinig sa Kanyang kaisipan at hindi sa sarili natin kaisipan. Mas mapapahamak tayo kapag nanalig tayo sa sarili natin pag-iisip. Magtiwala tayo palagi sa Kanyang sinasabi at hindi tayo mapapahamak. Higit sa lahat, makinig tayo sa Kanyang salita.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Kawikaan 3:5-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mas gusto ng tao na magtiwala sa sarili nilang pag-iisip kaysa sa pag-iisip ng Diyos?
2. Bakit mahalaga sa magtiwala sa pag-iisip ng Diyos kaysa sarili natin pag-iisip?
3. Paano natin ito magagawa sa araw-araw?
Main Idea: “Mas mapapalapit tayo sa Diyos kapag nagtiwala tayo sa Kanyang kaisipan at hindi sa kaisipan natin.” (“Trusting God’s thoughts instead of our thoughts brings us closer to God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.