Why You Should Not Follow Your Heart
DAILY DEVOTIONAL (5-26-2021)
9 “Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito’y mandaraya at walang katulad; wala nang lunas ang kanyang kabulukan. 10 Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumasaliksik sa puso ng mga tao. Ginagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay, at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.” (Jeremias 17:9-10)
Paliwanag
Madalas naririnig natin sa mga tao, at sa ating sarili rin, yung payo na “Sundin mo lang ang iyong puso!” Pero tama ba yun? Ayon sa salita ng Diyos, ito ay maling payo, dahil ang puso natin ay mapalinlang at mandaraya. Hindi ito mapagkakatiwalaan. Madali natin isipin na tama tayo pero ang kahihinatnan nito ay kapahamakan. Sundin natin ang Panginoon hindi ang ating puso.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Jeremias 17:9-10).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang ibig sabihin ng payo na “Sundin mo lang ang iyong puso?”
2. Bakit hindi mapagkakatiwalaan ang ating puso?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea: “Ang pagsang-ayon sa Diyos ay pagsunod sa Diyos at hindi sa ating puso.” (“Agreement with God means following the Lord, not your heart.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.