Not Resisting or Grieving the Holy Spirit
DAILY DEVOTIONAL (5-25-2021)
51 “Napakatigas ng ulo ninyo! Ang mga puso at tainga ninyo ay parang sa mga pagano! Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, iyon din ang ginagawa ninyo ngayon. Lagi ninyong nilalabanan ang Espiritu Santo. 52 Sinong propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagparito ng Matuwid na Lingkod na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay. 53 Tumanggap kayo ng kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ngunit hindi naman ninyo ito sinunod.” (Gawa 7:51-53)
Paliwanag
Kung paano tayo tumutugon sa kapahayagan ng Diyos sa atin ay may epekto sa ating espirituwal na kondisyon. Kung titigasan natin ang ating puso sa Panginoon, hindi natin mararanasan ang tunay na pagpapala na nagmumula sa Kanya. Sa madaling salita, tayo ay mapapahamak kapag tinigasan natin ang ating puso at hindi tayo nakinig sa Kanya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Gawa 7:1-53).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang mga palatandaan kapag tinitigasan natin ang ating puso sa Panginoon?
2. Bakit mahalaga na huwag natin tigasan ang ating puso?
3. Paano mo ito isasagawa sa iyong buhay?
Main Idea: “Ang ating pagtugon sa kapahayagan ng Diyos ay may epekto sa ating espirituwal na kondisyon.” (“Our response to God’s revelation affects our spiritual condition.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.